Trabahong handog ng kapitolyo sa Unang Sigaw ng Nueva Ecija, dinagsa
Sa loob ng mahigit dalawang taon na hindi nagkaroon ng job fair dahil sa pandemya ay dinagsa ng maraming naghahanap ng trabaho ang isinagawang job fair ng Pamahalaang Panlalawigan na bahagi ng ika-126 anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija na ginanap sa Waltermart Cabanatuan City noong Setyembre 2, 2022.
Halos mahigit 700 na mga Novo Ecijano ang nag-apply para makakuha ng trabaho, gaya ng mga fresh graduate, mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na naapektuhan ng pagsasara at pagkalugi ng ibang kompanya, mga natapos ang kontrata, at ang mga dating ofw na mga nais magtrabaho ulit sa abroad.
Ayon kay Peso Manager Luisa Pangilinan dahil sa halos dalawang taong nahinto ang kanilang taon taong programang job jair ay minabuti nilang ngayong 2022 na paigtingin ito.
Kaya ito na ang pangalawang job fair ng Provincial Employment Service Office, una noong Labor Day at ngayon ngang 126th anniberaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija para mabigyan ng trabaho ang mga Novo Ecijano.
Nasa 27 mga local na kompanya ang nakipagkaisa sa naturang job fair at 5 agencies abroad, katuwang ng PGNE ang DOLE, OWWA, TESDA, DTI at POEA kasama rin ang mga municipal PESO ng lalawigan.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga aplikante sa PGNE sa pagkakaroon nila ng pagkakataong makakuha ng trabaho, kagaya na lamang nila Jasfer Hernandez na apat na buwan nang nawalan ng trabaho at Anna Lyn Recidoro na naging graduate sa kolehiyo at nais makatulong sa kanilang mga magulang.
Dagdag ni Pangilinan maliban sa job fair ay may mga programa ang PESO gaya ng TUPAD na tulong pangkabuhayan, special program for student, language skills institute, english proficiency, Contact Center Service sa mga nais mag call center, at Japanese Language and Culture, para makatulong sa pagpapaunlad at pagtatrabaho sa ibang bansa.
Kaya personal ang kanyang pasasalamat sa ama ng lalawigan governor aurelio umali at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali sa suporta at pagmamalasakit sa PESO office.