Isa sa mga paboritong meryenda o pamatid gutom ng ating mga kababayan partikular na ang mga namamasyal tuwing hapon dito sa Freedom Park, Cabanatuan City ay ang masarap at mainit na sabaw ng mami.
Halos nakahilera ang mga nagtitinda ng pares mami dito at marami ang mga kumakain
Pero hindi masarap ang mainit na sabaw ng mami kung walang kasamang itlog,
Isa sa mga tinamaan ng sobrang taas ng presyo ng itlog ngayon ay ang mga tindera at tindero ng mami.
Halos iisa ang hinaing ng mga ito, sobrang taas ng itlog ngayon at minsan nawawalan pa ng supply.
Kaya ayon kay Lito Rivera isa sa mga nagtitinda ng mami ay hininto na muna nya ang paglalagay ng itlog sa tinda niyang mami dahil masyado nang mahal ang kanyang mami na P30.00, pag nilagyan pa ng itlog ay nagiging P40.00 na masyado nang mahal para sa bibili nito.
At ganito rin ang hinaing ni Dimple.
Dati umano puno ang lagayan nila ng itlog ngayon hindi na dahil nauubusan sila ng supply sa palengke na kanilang pinagkukunan, at ang dating P25.00 na tindang egg caldo ay ginawa na rin niyang P30.00 dahil ang dating puhunang P5.00 peso sa small na itlog ngayon ay P7.00 na.
Ayon naman sa mga supplier ng itlog kahit sila ay apektado rin sa itinaas na presyo ng kanilang tindang itlog dahil sa taas din ng kanilang puhunan kaya nahihirapan din silang magbenta.
Kung dati ang benta lamang nila sa isang tray ng small size na itlog ay P120.00, ngayon ay nasa P200.00 halos P90.00 pesos ang itinaas bawat tray. Bale kung per piraso na dating P4.00 ngayon ay P7.00 na ang kanilang benta.
At ang sobrang itinaas ng presyo at halos wala ng supply ay ang itlog ng pugo na dating P100.00 ang isang box ngayon ay nasa P150.00 peso na.
Isa sa dahilan ng pagtaas ng presyo ng manok at itlog ay ang production cost, kakulangan ng supply, at mataas na presyo ng pagkain.
Bukod pa rito ay nagsara na ang ilang farm, ang iba ay nalugi dahil sa bird flu virus, at pagtaas ng inputs ng mga magsasaka tulad ng mais na ginagawang feeds.
Sa baboy ay may mas murang nabibili dito sa Aduas Cabanatuan City na di hamak na mas mura kaysa sa presyo sa palengke.
Ang bawat kilo ng kanilang baboy ay nasa P320.00 lamang ang kilo kapag sa palengke P360.00.
Sa manok naman ay nasa P180.00 sa kanila, sa palengke nasa P200.00 peso per kilo.
Kaya mabilis maubos kagad dahil mura na at sariwa pa.