“Love is in the Air” para sa pitumpung magsing irog na pinag isang dibdib at tinanggap ang sakramento ng kasal sa Kasalang Bayan sa Gapan.

Magsing irog na buong pusong tinanggap ang sakramento ng kasal sa Kasalang Bayan sa Gapan.
Simula sa Seminar, Birth certificate, Cenomar, Marriage License Fee, Wedding rings, Wedding Gifts, Invitations, flowers and Catering, lahat ay libre bilang tugon sa mga nagnanais ikasal ngunit kapos sa budget.
Nakaantabay din ang mga mahal sa buhay ng mga ikinasal Mula sa pagpapalitan ng singsing, sumpaan, pagbibigay ng groom ng aras sa kanyang bride, at ang Inaabangan ng lahat na katagang “You may kiss your bride”.
Pagpirma naman ng marriage contract ang hinihintay ng kanilang principal witnesses bilang dokumentong panghahawakan at Para selyuhan ang magandang araw ng mag sing irog.
Sa pagtatapos ng seremonya ng kasal, Regalo at kasiyahan sa mga bagong kasal ang hatid ng Espesyal na pagdiriwang lalo na sa mga walang pondo o kapos sa budget para magpakasal.
Pitong taon naman ang hinintay nina Justine Queene at Romnick Mamaril bago nabigyang katuparan ang minimithing kasal, kaya naman laking tulong at labis labis na pasasalamat ng dalawa.
Ang kasalang bayan ay bahagi ng selebrasyon ng Ika-anim na Cityhood Anniversary ng Gapan sa pamumuno ni Mayor Emeng Pascual.-Ulat ni Getz Alvaran