Para matiyak ang kaligtasan ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development ay gagawin nang digital ang pamamahagi ng tulong sa mga mamamayan.
Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa public briefing ng Laging Handa na inutusan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-digitalize ang pamimigay ng ayuda ng mga empleyado upang makaiwas sa holdap.
May kausap na umano siyang grupo upang gawin ang digitalization para sa burial assistance, food at non-food assistance na ipinagkakaloob ng ahensiya.
Magkakaroon aniya ng QR codes na gagamitin sa digital transaction ng mga bibigyan ng mga nasabing tulong.