• Nueva Ecija News
  • National News
  • Other News
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Entertainment
    • Fashion
    • Health
    • Lifestyle
    • Technology & Science
  • Photos
  • Videos
  • About

Leader ng Salvador Robbery and Illlegal Drugs Group, naaresto sa Gapan City

Posted by philpiccio | Jul 21, 2022 | Nueva Ecija News | 0 |

Leader ng Salvador Robbery and Illlegal Drugs Group, naaresto sa Gapan City

Arestado ang leader umano ng Salvador Robbery and Illegal Drugs Group na kabilang sa Regional Top 10 Drug Personalities kasama ang tatlo pang suspek sa paglabag sa RA 10591, RA 9516, at RA 9165.

Kinilala ang mga suspek na sina Marlon Salvador y De Guzman, 37 years old, married, businessman, at residente ng Brgy., Mahipon, Gapan; Richard Ising y Peril, kwarenta anyos, driver, tubong Brgy., Magpayang, Mainit Surigao Del Norte; Arnel Morales y Tarriela, 29 years old; at Raymond Morales y Tarriela, trentay otso anyos, farm helper, kapwa tubong Brgy., Maliig, Lubang, Occidental Mindoro at kasalukuyang naninirahan sa Brgy., Bungo, Gapan City.

Base sa report ng Gapan City police, alas singko bente ng hapon noong July 16, 2022 nang ipatupad ng mga awtoridad Search Warrant na inisyu ni Executive Judge Elenita Evangelista- Casipit ng Regional Trial Court ng nasabing lungsod.

Huli umano sa aktong nagpa-pot session ang mga suspek kaya nakumpiska ang iba’t ibang klase ng mga baril, mga bala nito, dalawang piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at cash money.

Tinatayang umaabot sa Php274,720.00 ang halaga ng 40.4 grams na nakuhang droga sa mga suspek.

Share:

Rate:

PreviousMga gawa ng Novo Ecijano sa Trade Fair, hinangaan ng mga mamimili
NextFilipiniana, barong, inirampa ng mga guro sa graduation sa San Isidro

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

1,500 Novo Ecijano, personal na humarap sa mobile passporting ng pamahalaang panlalawigan

1,500 Novo Ecijano, personal na humarap sa mobile passporting ng pamahalaang panlalawigan

September 5, 2019

Public consultation sa itatayong hydro power plant sa Dupinga Gabaldon, isinagawa

Public consultation sa itatayong hydro power plant sa Dupinga Gabaldon, isinagawa

June 19, 2018

Pagpapasuso, ibinabalik sa uso ng Nueva Ecija Breast Friend

Pagpapasuso, ibinabalik sa uso ng Nueva Ecija Breast Friend

August 20, 2019

THIS WEEK’S SCHEDULE: MEN’S BASKETBALL

THIS WEEK’S SCHEDULE: MEN’S BASKETBALL

September 23, 2014

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *