
Personal na humarap sa mga tauhan ng Department of Foreign Affairs ang 1, 500 aplikanteng Novo Ecijano sa mobile passporting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija kahapon September 4, 2019 na ginanap sa Old Capitol Compound, Cabanatuan City.

Mula sa first phase ng PESO o Public Employment Service Office ay dagsa ang mga aplikante bago man o magre-renew ng kanilang pasaporte dala ang kanilang mahahalagang requirements.
Sa 2nd phase naman ang pagve-verify ng lahat ng dokumentong isinumite katulad ng NSO Birth Certificate, Local Birth Certificate, 3 valid id’s, NSO Marriage Certificate (if married).
Data capturing, Interview at courier (online payment method) ang last phase.
Ayon kay PESO Provincial Manager Luisa Pangilinan, ang Mobile Passporting ay bahagi ng programa ng PESO na taun taon ng isinasagawa na may layuning maibaba at mailapit ang serbisyo sa mga Novo Ecijano para sa mas madaling pagkuha ng pasaporte.

First come-first serve basis naman ang kanilang ginawa, walang prayoridad at ang lahat ay dadaan sa tamang proseso.

Nilinaw naman nito na libre ang proseso mismong pag-release na lang ng pasaporte ang babayaran na nagkakahalaga ng isang libo at dalawang daang piso at ang bayad na 150 pesos sa courier o taong magdadala sa bahay ng kanilang pasaporte.

Mahaba naman aniya ang kanilang ginawang paghahanda dahil gusto anila na presentable at planado ang proseso ng kanilang aktibidad katuwang ang PGSO oProvincial General Services Office, LSI o Language Skills Institute at iba pang departamentong nagkusang tumulong para sa mabilis na proseso.
Malaking tulong para kay Renato Alberto ang libreng Passport on Wheels ng Provincial Government dahil hindi na aniya nila kailangan lumuwas mag anak at gumastos ng malaki para kumuha ng pasaporte.
Ipangreregalo aniya ito sa debut ng kaniyang anak na lalaki na may kundisyong cerebral palsy dahil nais nila itong ipasyal sa Disney Land.
Nagpasalamat naman si Estrelita Dela Cruz sa Pamahalaang Panlalawigan sa handog na libreng pasaporte para sa katulad nilang mahihirap na hindi na kailangan gumastos ng malaki. Gagamitin daw aniya kasi ito sa pag-aapply ng trabaho ng kaniyang 31 unyos na anak na lalaki na balak mag trabaho abroad-Ulat ni Getz Rufo Alvaran