Nagkakahalaga ng halos P354-M ang inaprubahan na pondo para sa Disaster Risk Reduction and Management Investment Plan sa ginanap na Joint Meeting ng Local Special Bodies and Other Councils noong Lunes, September 16, 2019 sa Sierra Madre Suites, Palayan City.

Base sa presentasyon ni PDRRM Officer Michael Calma, pinakamalaking pondo ang ilalaan sa Disaster Prevention and Mitigation na nasa mahigit P261-M.
Ang nasabing budget ay gagamitin sa pagpapagawa o pagsasaayos ng mga dike, desilting ng mga ilog at iba pang flood control related na mga imprastraktura para mabawasan o mapababa ang flood risks ditto sa lalawigan.

Kulang P53-M naman ang iuukol sa QRF o Quirk Response Fund o ang nakaantabay na pondo para sa relief at recovery programs upang mas mapabilis ang pagbangon ng mga mamamayan sa isang lugar na tinamaan ng kalamidad at epidemya.
Nasa P33.6-M ang para sa Disaster Preparedness Programs na mapupunta sa mga trainings on disaster preparedness and response, search, rescue and retrieval operations pati ang mga simulation exercises at iba’t ibang mga drills para sa mabilis na pagresponde sa oras ng sakuna.
Habang P4.1-M naman ang para sa Disaster Response at P2-M naman para sa Rehabilitation and Recovery Programs. –Ulat ni Jessa Dizon