Ipinakilala ng MASIPAG ang mga uri ng binhing palay  na matibay laban sa iba’t ibang kalagayang dulot ng climate change sa kanilang talakayan  na ginanap sa Sta. Rosa Nueva Ecija.

Sa paliwanag ni  Bonifacio Nazareno dahil sa paglalahi ng mga tradisyunal na palay  ay nakadiskubre ang mga magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa  ng mga  variety ng palay na angkop sa klase ng lupa, klima at kalagayan ng kanilang lugar.

18 sa mga variety na ito ay kayang mabuhay  sa tag-tuyot, 12 ang kayang mabuhay kahit   bumabaha , 20 variety ang maaaring itanim kahit abutin ng  tubig alat at 24 dito ang hindi madaling mapinsala  ng peste.

Bukod sa pagpapakilala ng mga variety na ito ay ipinaliwanag rin ng MASIPAG kung paano nakakaapekto ang paggamit ng chemical na abono sa  pagdadagdag ng green house gas na  nagiging sanhi ng  climate change  at pagkasira ng ozone layer.

Ayon kay Dr.  Chito Medina environmental scientist at myembro ng MASIPAG, ang climate change ay nandito na at naapektuhan ang mga tanim na palay dahil sa  pabago-bagong panahon.

Ipinaliwanag rin nito na maging ang mga chemical fertilizers katulad ng Urea ay nag rerelease ng nitrous oxide o chemical na nakakadagdag sa patuloy na pagtaas ng carbon dioxide na lalong nagpapataas ng temperatura sa buong mundo.

Sa kasalukyan ay mayroon nang 2,000 binhi ng palay ang MASIPAG na nakaimbak sa kanilang seed bank na ipinamimigay sa mga magsasaka tuwing punlaan.  – Ulat ni Amber Salazar