Sa unang araw ng diskwento Caravan, ay ipinagkaloob ng DTI ang ipinangako nilang makina sa Binbin Gardener’s Association at Capintalan Women Gardener’s Association, na mas magpapadali sa paggawa ng kanilang produktong salabat, at bawat makina ay nagkakahalaga ng 500, 000 pesos.

Ipinagkaloob ng DTI ang makinang mayroong Hydrolic Ginger Presser, na katuwang nila sa pagpiga ng luya, Crystallizer with rice hull classifier na maghahalo sa kanilang pinoprosesong salabat,  multi-purpose disintegrator or pulverizer, weighing scales o timbangan, habang nauna ng pinagkaloob sa kanila ang electric sealer para sa labeling ng kanilang mga produkto.

Sa pahayag ni Nueva Ecija DTI Director Brigida Pili, layunin ng SSF na mapaganda o mapagbuti at sumarap ang mga produkto ng iba’t ibang sangay ng mga namumuhunan, habang ang diskwento Caravan ay may layuning mailapit sa mga mamamayan ang murang bilihin na pangunahing pangangailangan ng tahanan kumpara sa presyong pampalengke o pangtindahan.

Sinasabing ang Caranglan ay dulo na ng Lalawigan ng Nueva Ecija at hindi sinasadya o kilala ng mga tao, kaya sa pamamagitan ng SSF project ng DTI ay itinuturing nilang miles stone ang paggawad ng mga makina sa naturang bayan, dahil sa pamamagitan ng mga makinang ito ay maaari ng makilala ang Bayan ng Caranglan dahil sa mga dekalidad na mga produkto.

Ayon kay Pili pang-dalawamput lima na ang Bayan ng Caranglan sa kanilang nahandugan ng mga makina na makatutulong sa pagproseso ng kanilang mga produkto, sa ilalim ng SSF project ng DTI.- Ulat ni Shane Tolentino

[youtube=http://youtu.be/rMWtiXh0DA4]