Ikinatuwa ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang positibong tugon ni Gov. Oyie Umali sa kanilang kahilingan na maipa-renovate ang session hall at kanilang mga opisina.
Ito ay pinagtibay sa una at huling pagbasa na may kabuuang pondo na P20 million na magmumula sa un-obligated appropriation ng iba’t ibang departamento ng Provincial Government.


Ayon kay Vice Governor Anthony Umali, ang proyekto ay ilalaan hindi lamang sa pagpapaganda ng session hall at mga tanggapan ng bokal at kawani ng Sanggunian kundi maging ang pagsasalansan ng records section.
Aniya, gagawin nilang moderno ang sistema upang maisinop ng maayos ang mga dokumento sa kanilang tanggapan.
Pasasalamat ang naging pahayag ng ilang miyembro sa pakikiisa sa kanila ng Punong Lalawigan.
Target ng Sanggunian na bago matapos ang taon ay bago na rin ang kanilang tanggapan. –Ulat ni Danira Gabriel