Hakot award at itinanghal na overall champion ang 3rd Field Artillery Batallion na nakabase sa Camp Peralta, Jamindan, Capiz, sa ginanap na awarding ng 5th Howitzer Artillery Challenge, sa Fort Ramon Magsaysay.
Nanguna ang grupo ng mga sundalo mula sa Jamindan, Capiz , sa siyam na grupo ng mga sundalo ng AAR o Army Artillery Regiment ng Philippine Army na kalahok sa 5th Howitzer Artillery Challenge.
Nagwagi ang grupo ng tatlong award sa ilalim ng Disaster Rescue Operation Challenge at dalawang award sa Howitzer Platoon Challenge, na naging dahilan ng kanilang pagiging overall champion.
Ayon kay Major General Rafael Valencia, Chief of Staff ng Philippine Army, isa sa mga major task ng Philippine Army ang sanayin ang kanilang hukbo bilang bahagi ng kanilang army transformation road map.
Pinuri ni Brigedier General Leandro Loyao III, Armed Forces of the Philippines, Regiment Commander ng AAR, nakita nito ang sigasig sa mga naging kalahok ngayong taon kumpara sa mga nakaraan.
Malaki umano ang naging adjustments ng grupo ng 3rd FAB dahil first time nilang masabak sa ganitong klase ng training, ngunit hindi ito naging hadlang upang sila ay magtagumpay.
Kumpiyansa si Captain Jeffrey L. Gabor, Team Leader ng 3rd FAB na mai-aapply o magagamit nila sa aktwal na aktibidad ang mga pagsasanay na kanilang natutunan.
Positibo ang naging pagtingin ng grupo sa kinahinatnan ng challenge hindi lamang dahil sa sila ang nagchampion kundi dahil na rin sa bagong experience.- Ulat ni Shane Tolentino
[youtube=http://youtu.be/2diwvmoH0Cg]