Dalawang oras o higit pa, ganyang kahabang panahon ang kinakailangan sa byahe pa lamang  upang makakuha ng iba’t ibang laboratory test  na pang puso ang mga Novo Ecijano noon dahil sa kakulangan ng mga kinakailangang aparato sa mga ospital sa loob ng lalawigan.

 

Kaya naman ipinagmamalaki ng Premiere Medical Center ang pagbubukas ng Premiere Heart Institute Catheterization Laboratory   na kaisa-isang heart institute sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinakailangan ng  agarang lunas sa mga taong inaatake sa puso

Ani ni Dr. Jan Chua kinakailangan ng agarang aksyon kapag ang isang pasyente ay inaatake sa puso,  bukod sa magastos ang pag byahe ay masyadong mahaba ang dalawang oras o higit pa upang magkaroon ng dekalidad na examinasyon sa puso ang isang pasyente

Ilan sa mga serbisyo ng Heart Institute sa Nueva Ecija, kauna–unahan sa Lalawigan ng Nueva Ecija

Ang heart institute ay nagbibigay ng mga serbisyo katulad ng:

  • Coronary Angiogram
  • Coronary Angioplasty
  • Peripheral Angiogram
  • Pacemaker Implantation
  • Intra-Aortic Balloon pump insertion
  • Cerebral Aneurysm Coiling
  • 4-Vessel/ Cerebral Angiogram
  • Hemodynamic Studies
  • Percutaneous Trans hepatic Biliary Drainage
  • Trans arterial Hepatic Chemo Embolization
  • Renal Angiogram
  • Bronchial Artery Angiogram with Embolization

 

Bukod pa sa mga serbisyo na ito at aparato siniguro din na may mga doctor na may sapat na kakayanan ang Premiere Heart Institute na nag sanay para mabigyan ng maayos at dekalidad na serbisyo ang mga Novo Ecijano.

Para sa mga katanungan ay maaaring mag text at tumawag sa

0932 – 739 – 0070

O 0927 512 9068

 

Maaari din magtungo sa Premiere Medical Center para sa iba pang katanungan- Ulat ni Amber Salazar