Dalawa lamang sina Rocel Anjanet Capistrano at Jazer Marcelo Palasigue sa mga mag-aaral ng Wesleyan na nagtapos noong June 14, 2019 sa kauna-unahang clustered Recognition Program ng WU-P o Wesleyan University-Philippines.

Ayon kay Rocel, graduate ng Law, malaking achievement aniyang maituturing ang makapagtapos sa kinuhang kurso dahil ito aniya ay napakahirap at ekstraordinaryo, iilan lamang aniya ang bilang ng mga nagnanais kumuha ng kaniyang napiling kurso.
Nagpapasalamat naman si Jazer, dahil sa wakas ay nalagpasan na niya at natapos na siya sa hirap na naranasan sa buhay estudyante partikular sa mga kaniyang major subjects lalo pa’t nasa medical field ito.
Sa panayam naman kay Gladys Mangiduyos, College Professor mula sa Kagawaran ng Edukasyon, malaki ang pinagkaiba ng graduation ngayong taon dahil pinagsama sama ngayon ang pagtatapos ng lahat ng mga mag aaral ng WU-P kumpara dati na University graduation lang.

Dagdag pa ni Mangiduyos, pinag isipan at pinaghahandaan ang ganitong espesyal na kaganapan sa paaralan mula sa Committee, Faculty, Academic Officials, at mga Board Of Trustees.
Mahalaga rin aniya ang edukasyon sa isang indibidwal dahil ito ang magsisilbing sandata nito sa pagharap ng hamon sa buhay at masiguro ang maayos at maunlad na pamumuhay sa hinaharap.

Hinati sa tatlo ang seremonya na kinabibilangan ng College of Education, Graduate School, School of Law and Governance at College of Nursing and Allied Medical Sciences na ginanap ng umaga at nasa 600 ang bilang ng mga estudyante na mga nagsipagtapos kasama rin ang mga grumaduate ng Doctoral at Masteral Degree.

Limang raan namang mag aaral ang mga grumaduate na kinabibilangan ng College Of Hotel And Tourism Management, College Of Arts And Sciences, Social Work And Criminology, at iba pang Bachelor degree.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.