Magsasagawa umano ang Nueva Ecija Police Provincial Office at ang Provincial COMELEC ng post – election assessment o natutunan at pagsusuri kung ano ang mga naging problema nitong nakaraang halalan 2019, ayon kay Provincial Director Police Senior Superintendent Leon Victor Rosete.

Magkakaroon ng post-election assessment ang kapulisan katuwang ang Provincial Commission on Elections upang tukuyin ang mga naging pagkukulang o mga dapat pang ayusin sa nakaraang halalan noong May 13, 2019.

Sa pahayag ni Nueva Ecija Police Provincial Director PSSUPT Leon Victor Rosete, layunin ng post-election assessment na ito na maiwasan ang mga aberya o problema na kinahaharap sa panahon ng eleksyon.

Dagdag nito, makikipagpulong pa sila sa kanilang mga partner agencies lalo’t higit sa COMELEC upang mas maging maayos ang mga susunod na halalan.

Sinabi pa ni Rosete, na dapat mas mapaigting ang mga ipinapatupad ng COMELEC na Election Laws o mga patakaran tuwing botohan.

Matapos ang election period itinaas na ng mga pulis ang election ban nitong June 12 at sinimulan na rin ang pagpapalit ng checkpoint.

Ang COMELEC checkpoint at regular checkpoint ay isa sa paraan ng mga kapulisan para sa pagpapatupad ng mas maayos at tahimik na pamayanan. Joice Vigilia/ Jovelyn Astrero