Dumalo ang mahigit 151 partisipante ng Freakin’ Fast 2019 Downhill Race Series Leg 2 na ginanap sa Pugad Lawin Bike Trails Barangay Nauzon, Laur Nueva Ecija.
Makapigil hininga ang naging second leg ng Freakin’ Fast dahil sa mga obstacle na dadaanan ng mga competitors na nagmula pa sa iba’t ibang parte ng bansa at 15 dito ay mula sa Nueva Ecija.
Hindi madali ang tatahakin ng mga competitors dahil bukod sa pababa ito ng bundok ay mayroon ding mga obstacle na kailangang daanan ang mga competitor katulad ng jumps, drops, rock gardens at marami pang iba na sinabak ng mga partisipante edad 14 hanggang 59 na taong gulang.

Sa dulo ng kompetisyon ay Binigyan ng parangal, tropeo at cash prize ang sampung pinaka mabilis na racer na pinangunahan ni Jerich Farr men open Category, Nammi Gardoce Women Open Category, Jhetric Marquez ng Men Age 19 and below category, Banico Kenneth Men Age 20 to 29 Category, Dennis Acdol Jr. Men age 30 to 39 Category, Nilo Estayo Men 49 to 49 age Category, Edmund Llaneras Men Single Crown Category, Frederick Farr Men Master Category.
Ayon Kay Roro James Cruz local head organizer, Simula pa noong 2009 ay may mga downhill racers na sa Nueva Ecija at sa kasalukuyan ang kompetisyon na ito ang pinaka malaking downhill race competition sa lalawigan.
Nagpasalamat din si Roro sa mga partisipante at nanawagan na patuloy na suportahan ang downhill race sports.

“Unang- una nagpapasalamat ako dun sa lahat ng sumuporta lalong lalo n na yung galing sa mga malalayong lugar pa, sa mga pro riders natin mula sa iba’t ibang lugar. Nagpapasalamat ako sa mga sumuporta na mga kaibigan, kakilala, bagong kakilala kaya sana patuloy nating suportahan yung ganitong klase ng sports. “Roro Cruz, Local Head Organizer
Inaasahan naman na patuloy na pakakaabangan ng mga racer ang third leg ng competition na gaganapin sa buwan ng Desyembre- Ulat ni Amber Salazar