Ngiti ang isinalubong ng mga tigapalengke ng Lungsod ng Cabanatuan sa pagdalaw ng Team Unang Sigaw sa pangunguna ni Governor at 3rd District Congressional Candidate Cherry Umali, kahapon, April 22, 2019.
Kasama ng Gobernadora, sina Cabanatuan City Vice Mayor at Vice Gubernatorial Candidate Doc Anthony Umali, mga kumakandidato sa pagka Board Member na sina Macoy Matias at Manong Dm Morales at grupo ng Team Save Cabanatuan na pinangungunahan naman ni Mayoralty Candidate Philip “Dobol P” Piccio.
Kasama ang mga kumakandidato sa pagka konsehal na sina Allen Tolentino, Norgen Castillo, Jubal Esteban, Ariel Severino at Jan-Jan Cecilio.
Sa pakikisalamuha ng grupo ay inalam at pinakinggan nila ang mga naisin na mabago ng mga naghahanapbuhay sa loob at labas ng palengke.
Kagaya ng pagpapaganda at pagpapaayos ng Pamilihang Bayan na isa rin sa itinutulak ni Piccio na maipatupad kapag siya ang naupong Mayor ng lungsod.
Sa ngayon ay patuloy na umiikot ang buong partido sa iba’t-ibang lugar upang maglatag ng kanilang mga plataporma. –Ulat ni Danira Gabriel