
Sa ginanap na Media Forum ay sinagot ng mga opisyales ng NIA-UPRIIS o National Irrigation Administration Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems ang mga katanungan sa harap ng media kaugnay mababang presyo ng palay dulot ng Rice Tarrification Law.

Ayon kay Engineer Rose Bote, Acting Department Manager ng NIA-UPRIIS, nagkaroon ng collaboration ang kanilang ahensya sa Department of Agriculture upang magsagawa ng programa para sa agarang aksyon sa problema ng mga magsasaka, ang libreng binhi aniya na ipamimigay ang nakikita nilang paraan para agad maka-recover ang mga magsasaka.
Posible naman aniyang tumaas o madoble ang ani ng mga magsasaka ngayong Dry season dahil malaki ang napatubigan ngayon na halos nasa 132, 000 hectares kumpara noong nakaraang taon na nasa 125,000 area ang napatubigan.
Dagdag nito, nasa 814.9 Milyong Piso ang pondo ng ahensya ngayong taon para sa infrastructure iba pa ang allocation fund na nasa 420 Million para sa Calamity.

Sinagot pa ni Bote na bayad na ang patungkol sa matinding pagkakautang ng NIA UPRIIS sa kanilang mga empleyado noong 1986-1990’s, updated na aniya ngayon ang kanilang ahensya, may incentives pa na naibahagi sa kanilang mga empleyado. –Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN