
Nasungkit ng trenta anyos na Nanay mula sa Barangay Vega na si Shane Faraon ang korona bilang Ginang Bongabon 2019.
Bukod sa korona ay naiuwi rin ni Shane ang Best in Evening Gown at Best in Casual. Nakuha naman ni Candidate Number 7 Ginang Marivic Dela Cruz ng Barangay Tulay na Bato ang 4th runner up, 3rd runner up si Candidate Number 11 Ginang Rachelle Delim ng Barangay Sampalukan, 2nd runner up si Candidate Number 10 Ginang Ginalyn Cervantes ng Barangay Social at si Candidate Number 2 Ginang Roma Amor Agustin naman ang nagkamit ng 1st runner up.

Habang nakatanggap ng flower of Bouquet, sash, cash price at plake ang mga napabilang sa mga major awards tulad ng Best in Talent, Best in Profesional Attire, Best in Production Number, Best in Casual, Best in Evening Gown at minor awards gaya ng Bilope del Monte Choice Award, Ginang Flawless, Ginang Ramp Model, Ginang Face of the Night, Ginang Close up Smile, at Ginang Photogenic.
Labing tatlong kandidata ang naglaban-laban sa ginanap na Ginang Bongabon 2019, noong Biyernes, March 15, sa harap ng Munispyo ng naturang bayan.

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang bulwagan ng isa- isa ng magpatalbugan sa pagrampa ang mga Ginang suot ang kanilang Casual wear at Evening gown.
Ito na ang ikalawang beses na nagsagawa sila ng ganitong patimpalak, matatandaang noong taong 2015 naganap ang kauna-unahang Ginang Bongabon.
Samantala, sa mensahe ng President of Sibuyas Festival 2019 na si Romina Gozon, sinabi nito na ang naturang patimpalak ay handog niya sa mga kapwa niya Bongabonians upang maging masaya ang bawat isa at ma-enjoy ang pagdiriwang nila ng Sibuyas Festival 2019.
