Labingpitong kalahok ng Ginoong Cabiao ang nagpakita ng galing sa pagrampa suot ang ibat-ibang disenyo ng kasuotan.

Ang Flair and Style Costume, sumunod na inirampa ang kanilang Bachelors Bash Costume, Casual Wear, Swim Wear at hindi rin mawawala ang Modern Barong.

GINOONG CABIAO 2017, IPINAMALAS ANG GALING SA PAGRAMPA SUOT ANG IBAT-IBANG KASUOTAN; FLAIR AND STYLE COSTUME, BACHELORS BASH COSTUME, CASUAL WEAR, SWIM WEAR AT ANG MODERN BARONG.

GINOONG CABIAO 2017, IPINAMALAS ANG GALING SA PAGRAMPA SUOT ANG IBAT-IBANG KASUOTAN; FLAIR AND STYLE COSTUME, BACHELORS BASH COSTUME, CASUAL WEAR, SWIM WEAR AT ANG MODERN BARONG.

Bawat isang kalahok at may angking talino sa pagsagot sa question and answer portion.

Nagpakita ng lubos na talino sa pagsagot si Ginoo number 16, dahilan upang maiuwi ang titulo  bilang Ginoong Cabiao 2017.

WILLIAM LAPUZ, WAGI BILANG GINOONG CABIAO 2017

WILLIAM LAPUZ, WAGI BILANG GINOONG CABIAO 2017

Ibinato kay Ginoo number 16, ang katanungan kung ano ang kahulugan ng salitang ginoo at maari bang maging Ginoo ang isang bakla o bysexual.

Pasok sa top 10 sina, Candidate number 02, Candidate 03, Candidate 04, Candidate 05, Candidate number 08, number 17, number 16, Candidate 14, Candidate 13 at Candidate number 9.

Matapos piliin ang top 10 sumunod na nagpaligsaang  muli ang mga ito para sa pagpili ng top 5.

Maswerteng napili sa top 5 sina candidate number 14, kung saan ay itinanghal ito bilang  2nd runner-up. 1st runner-up naman si candidate number nine.

Kung saan nasungkit rin nito ang special award na Casa Flora, Best in Victoria, Best in Swim Wear, at Best in Talent.

Ipinakita nito ang ibat-ibang kultura ng mga tao sa luzon, visayas at mindanao.

Itinaghal naman bilang Lakan ng Cabiao 2017 si Ginoo number 17. Kung saan nakuha rin nito ang Special Award na Best in Modern Barong.

At Maharlika ng Cabiao 2017 ay waging naiuwi ni Ginoo candidate number 13.

Hakot award din si Candidate number 08 kung saan nakuha ang Ginoo Best in Vtr, Mr, Face of The Night, Ginoong Telegenic, Best in Music Video,  Ginoong Nueva Ecija Tv48 Interview at Best in Casual Wear.

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ng Director ng Ginoong Cabiao na si Dindo Fernando sa Gobernadora “Cherry” Domingo Umali at sa mga S ponsor ng nasabing event. -Ulat ni Myrrh Guevarra.