Pinasinayaan na kahapon, March 18, ang tatlong palapag na gusali na ipinatayo ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga estudyante ng Grade 12 sa Nueva Ecija High School o NEHS, Cabanatuan City.

Masayang-masaya ang mga estudyante, guro, principal at ang mga panauhing pandangal nang opisyal ng napasinayaan ang tatlong palapag na gusali na handog ni Governor Czarina Domingo-Umali.

Ang pagbabasbas at misa ay pinangunahan ni Rev. Father Edilberto Dela Rosa Jr.    Sa mensahe ni Provincial PESO Manager, Ma. Luisa Pangilinan, bilang kinatawan ng Ina ng Lalawigan, ipinaabot nito ang buong suporta ng Provincial Government sa mga mag-aaral na Novo Ecijano.

Nagbigay din ng mensahe ang Schools Division Superintendent ng Nueva Ecija na si Dr. Ronaldo Pozon, aniya masuwerte ang naturang Paaralan dahil nabibiyayaan ito ng tatlong palapag na gusali na mayroong labing walong silid aralan at anim na palikuran.

Lubos namang nagpapasalamat ang School Principal II ng Nueva Ecija Senior High School na si Sergio Gonzales kay Gov. Cherry dahil malaking tulong sa kanila ang pasilidad.

Masaya ding nagpaabot ng pasasalamat ang mga guro na bumubuo ng Senior High School.