Itinalagang ikadalawamput walong Commander ng 7th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines si Brigadier General Lenard T Agustin bilang kapalit ni Major General Felimon Santos.

Opisyal nang naupo bilang pang 28 pinuno ng 7th Kaugnay si Brigadier General Agustin nitong nakaraang Huwebes, February 14, 2019 na isinagawa sa 7ID Grandstand, Fort Magsaysay, Palayan City.

Pinalitan ni Agustin si Major General Felimon Santos na magiging Commander ng Eatern Mindanao Command.

Si Agustin ay nagtapos sa PMA “Sinagtala” Class of 1986.

At naging dating Assistant Division Commander noong kasalukuyang namuno si Commander General Felimon Santos Jr. sa Armed Forces of the Philippines – Eastern Mindanao Command.

Higit pa rito napatunayan din niya ang kanyang kakayahan sa pamamagitan ng matagumpay na pamumuno ng iba’t – ibang posisyon sa bawat unit ng AFP.

Sa talumpati ni Agustin, binigyang-diin nito na dapat ay magtulungan ang lahat ng sektor ng lipunan at kanila ring gagampanan ang kanilang mga tungkulin upang masolusyonan ang problema ng bansa.

Sinabi pa nito na gagawin niya ang kanyang pinakamahusay na pagsisikap upang ipagpatuloy ang magandang pamumuno na ipinakita ni Santos.

Samantala, handa nang manungkulan muli si Major General Santos bilang kumander sa Eastminco o Eastern Mindanao Command na hindi na rin bago sa Major General.

Si Santos ay dati ring namuno sa 11th Intelligence Service Unit sa Davao City at naging Komandante ng Group of Intelligence Service Group, Philippine Army.

Nang matapos siya sa Philippine Military Academy noong 1986, ginugol niya ang kanyang junior years sa 39th Infantry Batallion , isang yunit na ipinadala sa iba’t – ibang mga lalawigan sa Mindanao.

Kaya naman pinalawak din ni Santos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng kalalakihan, kababaihan ng 7th ID at sa lahat ng mga stakeholder na nagbigay suporta sa 7th ID “Kaugnay” Division. Ang Change of Command Ceremony ay nangibabaw sa pagbibigay ng mga pulang rosas sa lahat ng kababaihan na nakiisa sa naturang seremonya bilang isang simpleng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.