Isa si Waxin dela Vega sa nag-abang at nanonood sa gabi ng Patimyas Ani Festival noong Pebrero 2 sa Bayan ng Quezon, aniya mas masaya ang pagdiriwang ngayon kumpara noong nakaraang taon dahil mas pinaghandaan at maraming pasabog ngayong taon katulad ng pagdating ng mga sikat na Singers na sina Julie Anne san Jose, Kyla at Eric Santos.
Pinainit ni Julie Anne San Jose ang gabi sa mga inawit nitong Love On Top, Crazy inlove at Run The World (Girls)ni Beyonce, Desfacito ni Luis Fonsi at Versace On the Floor ni Bruno Mars.
Pinakilig at Pinaindak naman ni Prince of Pop Erik Santos ang mamayan ng Quezon sa sunod sunod nitong pagkanta ng mga awitin ng Eraserheads na Huling El Bimbo, Pare Ko, Ligaya, Magasin at ang huli ang original composition at hit songs nitong Pagbigyang Muli at Kulang ako kung Wala ka.
Pina-inlove naman ng Queen of R&B na si Kyla ang madla sa pinerform nitong Rather Be ng Clean Bandit, Havana ni Camila Cabelo, Till They Take My Heart Away ni Claire Marlo at ang hit na hit nitong kanta na Hanggang Ngayon.
Dinaluhan din nina Bokal ng Unang Distrito Rafael Andrew “Raprap” Villanueva, Eric Daniel Salazar, Doc Anthony Umali, Governor Cherry Umali at ni Senador Jinggoy Estrada ang naturang okasyon.
Ayon kay Maria Lourdes Lajom, Executive Assistant ng Mayor’s Office, ang Patimyas Ani Festival ay pagkilala sa kakayahan at mga naiambag ng mga magsasaka sa Bayan ng Quezon, ito’y pasasalamat rin aniya dahil walang kalamidad na dumaan sa kanilang bayan kung kaya’t maganda ang ani ngayong taon.
Dagdag pa nito, mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa Bayan ng Quezon ang nakaisip ng konsepto at pangalan kaya tinawag na Patimyas Ani Festival.
Ang Patimyas Ani Festival ay sinimulan noong taong 2010 sa pangunguna ni Mayor Boyet Joson na nagpapakita ng talento ng mga kabataan sa pamamagitan ng street dancing competition o pagsayaw na may mga props na gawa sa palay at gulay upang maipakilala ang mga produkto ng Bayan ng Quezon.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.