Ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Czarina “Cherry” Umali ang bigas at Gifts packs sa libo-libong mamamayan ng bayan ng Gapan at San Isidro sa ginanap na Rice Distribution at Christmas Gift Giving sa ilalim ng Typhoon Karen and Lawin Rehabilitation and Recovery Program.
Umabot sa 1, 800 gifts packs ang naipamahagi sa bayan ng San Isidro.

Nagpamahagi ng 1,800 gift packs ang Pamahalaaang Panlalawigan sa bayan ng San Isidro.
Nanguna sa naturang programa ang First Gentleman na si Atty. Oyie Umali bilang kinatawan ni Governor Cherry Umali , na nagbigay ng mensahe sa mga nabigyan ng mga bigas at gift packs.
Kasunod nito, nagpamahagi din ang dating Gobernador ng mga bigas sa 253 na magsasaka sa bayan ng Gapan at 16 na magsasaka naman sa bayan ng San Isidro.

Nagpamahagi ng bigas ang Pamahalaang Panlalawigan sa 253 na magsasaka sa bayan ng Gapan at 16 na magsasaka naman sa bayan ng San Isidro.
Isa si Thelma Pacson limampu’t- anim na taong gulang mula sa Calaba San Isidro ang nabigyan ng gift packs, masayang-masaya ito dahil malaking tulong sakanila at pagsasaluhan nila ng kaniyang pamilya ang maagang pamaskong handog ng pamahalaang panlalawigan.
Kabilang rin sa nabigyan si Marianne Dela Cruz tatlumpu’t dalawang taong gulang, malaking bagay aniya ito sakanila dahil mayroon na silang pagsasaluhan sa Noche buena. -Ulat ni Majoy Villaflor