Hiyawan ang sumalubong sa Pinoy band na December Avenue nang haranahin ng grupo ang mga taga-Gabaldon sa Battle of the Bands sa naturang bayan noong Lune ng gabi, January 21, 2019.

Anim na kanta ang inawit ng grupo kasama na rito ang kanilang hit single kasama ang singer na si moira Dela Torre ang “Kundi Di Rin Lang Ikaw” na talaga namang kinagiliwan ng mga manunuod.

Ang December Avenue ay isang indie-rock band na nabuo noong 2008 at may limang miyembro kung saan ang kanilang drummer na si Jet Danao ay tubong Gabaldon, Nueva Ecija at anak ng konsehal sa naturang bayan na si Konsehal Jun Danao.

Ito ang unang beses na makapunta ang banda sa Gabaldo kaya naman ikinatuwa nila ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga residente doon.

Nag-perform ang banda sa Battle of the Bands na ginanap doon kung saan walong banda galing sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan at karatig probinsya ang naglaban-laban.

Nakuha ng bandang Stage 47 mula sa San Jose Del Monte, Bulacan ang 1st palce at nakapag-uwi ng P10,000, 2nd place naman ang Chug Chug Punk ng San Jose City at nakakuha ng P7,000 habang 3rd place ang Isla Berde mula sa Cabanatuan City na nagkamit ng P5,000.

Ito na ang ikatlong Battle of the Bands sa nasabing bayan at ayon sa isa sa mga organizer ng nasabing event ay asahan na ang mas pinagandang ika-apat na paghaharap sa susunod na taon.

Layunin nito na himukin ang mga taga-Gabaldon lalo ang mga kabataan na mahilig sa musika kaysa sa masamang bisyo at ipakita ang galing at husay ng mga Gabaldonians.

Nagpasalamat naman ang December Avenue sa mga Novo Ecijano dahil sa walang sawang pagsuporta at pagsalubong sa kanilang tuwing magpe-perform sila dito sa lalawigan.

Nagpasalamat din an gang pamunuan ng bayan ng Gabaldon sa pag-sponsor ni Doc Anthony Umali sa sound system ng nasabing event. –Ulat ni Jessa Dizon