Nanumpa ang mga bagong halal na opisyales ng NEPCI sa harapan ni Presidential Communications Operation Secretary Jose Ruperto Andanar.
Inihalal bilang Presidente si Jun-Jun Sy ng GMA Network, Executive Vice President Ferdie Domingo, Vice President for Print Milo Salazar, Vice President for Broadcast Arthur Reyes, Secretary Jessica Eraña, Treasurer Elsa Navallo, Auditor Juaneth Bondad, at Business Manager Camille Santos- Salazar.
Habang ang Board of Directors ay binubuo nina Clariza de Guzman, Tony Vallejo, Emil Sapiandante, Jose Balagtas, Maureen Pagaragan, Ver Sta. Ana, at Aga Linsangan.
Sa paunang pagbati ni Jun-Jun Sy bilang bagong pangulo ng NEPCI ay ipinaalala nito ang kahalagahan ng pagsasama sama at pagtutulungan ng mga mamamahayag sa Nueva Ecija. Ayon din kay Sy, isa sa malaking balakin ng NEPCI ay ang pagkakaroon ng sariling imprenta na sana ay masimulan sa kanyang termino.
Kasabay ng oath taking ay nagkaroon din ng seminar kung saan ipinaliwanag ni Undersecretary Joel Egco ang kahalagahan ng media security habang kumukuha ng balita.

Mga mamamahayag, mahalagang instrumento sa kapayapaan ng bansa- Atty. Oyie Umali
Ipinaalala naman ni Former Governor Aurelio Umali ang responsibilidad at kahalagahan ng tungkulin ng media sa mga mamamayan at sa bayan. Aniya malaking responsibilidad ang iniaatang sa mga mamamahayag at nawa ay patuloy silang maging instrumento ng kapayapaan ng buong bansa. – Ulat ni Amber Salazar