Nag-uwi ng 1 brand new tricycle asawa ng construction worker sa ginanap na Bingo Bonanza 2019 ng Pamahalaang Panlalawigan sa Bayan ng Gabaldon
Halos maglupasay sa tuwa si Marlyn Calem, 25 anyos, residente ng Barangay Ligaya, Gabaldon Nueva Ecija, ng nanalo ng 1 brand new tricycle sa ginanap na Bingo Bonanza 2019 ng Pamahalaang Panlalawigan sa Bayan ng Gabaldon noong Martes, January 22, 2019.
Ayon kay Marlyn, first time niyang maglaro ng Bingo at hindi niya akalain na siya pa ang makakapag-uwi ng grand prize. Malaki aniya ang maitutulong ng naturang tricycle sa kaniyang pamilya dahil construction worker lamang ang kanyang asawa at hindi regular sa trabaho.
Sina Mark Marcalla at Mariel Domingo naman ang maswerteng nakakakuha ng tig-isang Tindahan Showcase. anila malaking tulong ito sa kanilang pang araw araw na buhay lalo pa’t pareho rin silang walang trabaho. Lubos din silang nag pasalamat sa pamahalaang panlalawigan.
Sa mensahe ni Governor Cherry Umali sa mga taga Gabaldon na bagamat may mga negatibong pananaw sa pabingo ng Provincial Government ay ipinagmalaki naman nito na sa pamamagitan ng naturang pabingo ay may mga nababago ang buhay.
Maliban sa 1 brand new Tricycle at 2 Tindahan Showcase na nagkakahalaga ng sampung libong piso at may lamang dalawang sako ng bigas, ay may mga nakakuha din ng mga consolation prizes na 15 pirasong Promac Electricfan, 15 pcs. mobile phone, anim na sakong bigas na naglalaman ng 25 kilos na bigas, at 100 packs na tigli-limang kilo ng bigas.
ito na ang pangatlong Bingo Bonanza ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong taon bilang pagsuporta sa pagdiriwang ng Bayan ng Gabaldon ng kanilang ika- walong Gulayan Festival na bahagi ng kapistahan ni San Pablo Apostol sa January 25. -Ulat ni Getz Rufo Alvaran