Natagpuang palutang-lutang sa gilid ng isang kanal ang bangkay ng isang binatang diumano’y may diperensiya sa pag-iisip sa barangay Nazareth, bayan ng General Tinio.
Kinilala ang biktimang si Gabriel Espiritu y dela Cruz alyas Gabby , 34-anyos, at residente ng naturang lugar.

May diperensiya umano sa pag-iisip ang binatang si Gabriel Espiritu na natagpuang patay at palutang-lutang sa kanal sa brgy. Nazareth, Gen. Tinio.
Ayon sa salaysay ni Lamberto Escobañez y Educalan, 42, bandang 8:30 ng umaga nang magpastol siya ng baka sa bukid ng kaniyang biyenan at doon na nga niya natuklasan ang patay na biktima.
Huling nakitang buhay si alyas Gabby 1:00 ng hapon noong September 10, 2016, isang araw bago ito matagpuang isa nang malamig na bangkay.
Talavera- patay ang isang Barangay Captain matapos tambangan at pagbabarilin ng apat na hindi nakilalang suspek sakay ng dalawang motorsiklo sa Purok 3, barangay Gulod.
Kinilala ang biktimang si Kapitan George Mangalindan y Corpuz, 45-anyos, may asawa, ng nasabing barangay.

Kabilang umano sa listahan ng drug personalities ng Talavera PS si Kapitan George Mangalindan na napatay sa ambush.
Base sa imbestigasyon ng Talavera Police Station, 8:50 ng umaga, habang minamaneho ni Kapitan Mangalindan ang service ng barangay na isang Toyota Super Custom van papuntang town proper, kasama si Lorna de Jesus y Quinto, 34, dalaga residente ng barangay Caputican nang overtakan ng isa sa riding in tandem, habang ang isa pa ay nagsilbing back-up.
Mula sa lumampas na motor ay bumaba ang back rider nito at pinaputukan ng maraming beses ang biktimang kaagad na namatay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Samantala ang mga suspek ay mabilis na tumakas.
Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang 3 basyo ng bala ng kalibre .45 baril, habang nasamsam galing kay Kapitan Mangalindan ang isang Armscor 1911 caliber .45 na baril, tatlong magazine, at 21 bala para sa nasabing baril, isang selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance, at isa pang katulad na plastic sachet na nakabukas at may laman din ng parehong putting pulbos, dalawang disposable lighter, isang improvised plastic toother, at isang plastic tube na pinalamanan ng aluminum foil.- ulat ni Clariza de Guzman.