JULY 18, 2014– Mapapakinabangan na sa mga susunod na buwan ang bagong tayong Student Center sa Science High School sa Cabanatuan City. Nakatakda itong lagyan ng mga lamesa na may mga mind games katulad ng DAMATH at pag-aaral ng Periodic Table, na magsisilbing libangan ng mga estudyante habang wala silang klase.

Ayon kay Alberto Santos, Principal ng Science High School magiging malaking pakinabang ang pagpapatayo ng gusali sa kanilang mga mag-aaral.

Kasabay ito ng ginanap na pagluluklok sa tungkulin ng mga GPTA o General Parent Teacher Association at Faculty Club Officers ng naturang eskwelahan.

Bagamat hindi nakapunta ang Punong Lalawigan Gov. Aurelio Umali, ay dumating naman si Doc Rey Sarmiento upang manguna sa nasabing okasyon.

Inihayag ni Doc Rey, na bukod sa pagtulong sa pagtatayo ng mga bagong gusali para sa mga mag-aaral.  Meron din bagong programa ang pamahalaang panlalawigan sa lahat ng mga guro ng probinsiya. Ito ay ang pagbibigay ng Scholarships sa mga Teacher na nagnanais na kumuha ng Masteral at Doctoral degree.

Lubos naman ang pasasalamat ni Principal Santos, sa mga tulong at suportang ibinibigay sa kanila ng Provincial Government.-Ulat Ni Danira Gabriel