Binigyan ng pagkilala o Plaque of Recognition ni Rizal City Mayor Lito Andres si Certified Public Accountant Board Topnotcher Lahaira Amy Reyes na ginanap sa Rizal Central School, Rizal, Nueva Ecija noong Linggo November 4, 2018.

Iginawad kay Reyes ang #GintongButilNgRizal award at financial incentives bilang nakakakuha ng 91.83% sa nagdaang CPA Licensure Exam nitong nakaraang buwan ng Oktubre.

Sa aming ekslusibong panayam kay Lahaira Amy Reyes inamin nito sa amin na ang gusto nitong kurso noong Kolehiyo ay may kinalaman sa Medikal ngunit dahil aniya may kamahalan at masyadong matagal ang taong gugugulin ay nagdesisyon ang kanyang mga magulang ng kursong accountancy. First choice aniya nito ang Med Tech sa ibang kolehiyo at sa University of Sto. Tomas ay Accountancy ang kanyang naging first choice ngunit nanatiling second choice pa rin ang Med Tech.

Si Lahaira Amy Cayog Reyes ay Top honor Student simula Kinder Garten sa St. Joseph Parish Church sa Poblacion Centro sa bayan ng Rizal, hanggang tumungtong ng Elementarya sa Rizal Central Elementary School, maging sa NEUST Laboratory High School sa Gen. Tinio.

Nakabilang din sa photo journalism noong Elementarya at naging Copy Reader at Headline Writer noong High School at kasali din sa Top Outstanding High School Student ng Nueva Ecija bilang (TOP 6).

Kumuha ng kursong Accountancy sa University of Sto. Tomas at napanatiling Dean’s Lister mula first year,
Summa Cum Laude at batch valedictorian ng UST’s Alfredo M. Velayo College of Accountancy o AMV na may average na 1.131. at hinirang bilang first honorable mention ng Batch 2018 sa UST.

Ibinahagi rin sa amin ni Lahaira ang kanyang mga kabiguan noong panahong nag-aaral pa lamang sya sa UST lalo na ang kanyang pagkakabagsak sa kauna-unahang quiz sa kanyang piniling kurso na kailangan niya aniyang mapanitili ang kanyang scholarship na may gradong 1.75 sa UST para makapagpatuloy ng pag-aaral.

Nagpaabot din ng Mensahe si Lahaira, sa Pamahalaang Panlalawigan ganon din sa kanyang mga ispirasyon sa buhay.

Very proud naman ang ama ni Lahaira isang Senior Book Keeper sa Munisipyo ng Rizal at ang ina nitong isang Guro sa Paaralan, habang ibinabahagi sa amin nararamdaman sa mga nakamit ng kanilang anak.

Samantala, nagbigay rin ito ng payo sa mga aspirante o nangangarap na maging CPA.
October 6-7, 2018 ng siya ay unang nag-exam, nagkaroon ng isang linggong pahinga at October 13, 2018 naman ang kaniyang ikalawang pagsusulit.October 23, 2018 naman ng lumabas ang resulta ng exam.

Magkakaroon naman sila ng Testimonial dinner sa darating na November 9, 2018 sa kanyang paaralan.
Nakapili na din si Reyes ng kumpanyang mapapasukan ang Pricewater houseCoopers Isla Lipana sa Makati na isang Auditing firm.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.