Umabot ng tatlong raan at pitumpu’t limang partisipante na binubuo ng mga Kabataan, Barangay Officials at mga miyembro ng  Junior Citizens Organization (JCO) Youth Group- Palayan City Chapter ang nakilahok sa Basketball League at Synchronized Unity Walk na inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Caballero noong  August 26, 2018.

Sa aming panayam kay Renz Agbulos Lagazo, SK Chairman ng Barangay Caballero-na may marubdob na adbokasiya sa pagpapa- iwas sa mga kabataan sa paggamit ng masamang bisyo, aniya ang aktibidades na kanilang isinagawa ay bahagi ng pagdiriwang International  Youth day.

Dagdag pa nito nais niyang  maging aktibo ang mga kabataan sa mga kaganapan  sa kanilang Barangay.

Nagpaabot pa ng mensahe si Lagazo sa buong pusong pasuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Kabataan.

Ayon naman kay Marvin Ray Abunan, Chairman ng Junior Citizen Organization at pangulo din ng Gender and Development sa buong Nueva Ecija, sinusuportahan aniya ng kanilang organisasyon ang mga aktibidad sa kanilang lugar at bilang pagkilala sa mga naiambag ng mga  Kabataan ng kanilang Barangay.

Nagpasalamat naman ang  dalawang manlalaro na lumahok sa pa-liga ng Barangay na sina Jemuel Soriano Rigor at John Vincent Ravagool sa mga sumusuporta sa kanila.

Ang Unity Walk ang kauna-unahang proyekto ng Sannguniang Kabataan ng Barangay Caballero sa kanilang nasasakupan.

Layunin nito na maiwas ang mga kabataan sa masasamang bisyo , mapalakas ang kanilang sportsmanship at maipanatili ang pagkakaisa

Ang mga Kabataang kalahok sa Basketball ay ang Team Capitals, Team Caballero,  Team Ballers, Team  Yeahboy, Team Knights, Team G, Team Shembot, Brgy. Official Teams, Team Pusa 1 at Team Pusa  2-Ulat ni  Getz Rufo Alvaran.