Binasahan na ng sakdal sa sala ni RTC Branch 29 Judge Felizardo Montero Jr. si Philip “Dobol P” Piccio para sa apat na kaso ng libelo na isinampa ni Ria Vergara na Vice President ng FCVC, President at Finance Chief Officer ng Celcor, at asawa ni Mayor Jay Vergara ng Cabanatuan City.

Si Dobol P habang nakikipag kamay kay Ria Vergara sa loob ng korte.
Matatandaan na kinasuhan ni Vergara ng nine counts of libel si Dobol P dahil sa kanyang mga naging komentaryo sa kanyang programa dito sa TV48 tungkol sa isyu ng kuryente sa Cabanatuan.
Inasistihan ng kanyang abogadong si Atty. Rene Bondal si Piccio habang binabasa ang mga sumusunod na information ng apat na kaso ng libelo kung saan naghain siya ng “not guilty” plea.
Criminal Case number 21966 na naglalaman umano ng mga binitiwang salita ni Dobol P sa kanyang programa noong March 13, 2013 na..
“Pinahihirapan nyo ng todo yung mga tricycle drivers, yan ang lungsod ng Cabanatuan, napakadumi, tingnan ninyo..marami pa ring pulubi dito sa Cabanatuan, eh si Mayor Jay lang naman ang yumayaman eh at saka yung asawa niyang si Ria kakagoyo sa mga tao sa kuryente, dahil talagang iba ang presyo ng kuryente dito sa Cabanatuan. Pahirap ang dinadanas talaga ng tao dito sa sa Cabanatuan, dahil dito pribado po ang may-ari ng kuryente, hindi katulad sa iba ang may hawak.
Bakit iba ang presyo ng NEECO sa Celcor? Anong kaibahan, yung FCVC na itinayo dun dapat nga yun ang maging rason ng pagbaba ng presyo eh nangyari ginulangan ni Jay at Ria ang Cabanatueño, tapos eto pa ang masaya, di lang kayo ginugulangan sa presyo ng kuryente, ngayong halalan, panahon ng bolahan.”
Criminal case number 21958 na galing sa programa ni Piccio na may petsang March 19, 2013 kung saan sinabi niyang..
“hindi ka nagbabayad ng buwis eh, kayong mag-asawa, kayo ni Ria, di kayo nagbabayad ng buwis, yung ang andudun sa kaso, isipin mo pa ha, sinabit mo pa si Mayor Liwag na nung panahon niya ginawang assessment yan, wag na nating pag-usapan yung panahon ni Mayor Liwag, ang pag-usapan natin yung panahon mo.
Alam mong mali yung assessment at nadaya ang Cabanatueño na dapat binayaran ng kumpanya ninyong mag-asawa, ikaw at si Ria, 100 million pesos ang dapat pumasok sa kaban ng Cabanatueños, nasan nay un? 100 million pesos n asana napunta sa gamot, sa mga equipment, ngayon ang ginawa mong rason dun sa debate eh sinasabi mong “Eh yun yung assessment nung panahon na yun eh” Eh pano nung panahon mo, hindi mo itama? At pag binago niyo ang assessment at ibinalik sa tama ang sunod na tanong ko bakit hindi niyo itama noong nakita niyo..kung talagang honest ka talaga Mayor dapat itinama mo na, sa iyong negosyante na nanonood ngayon kung patawan kayo ng buwis o RPT, sinusulatan pa kayo ng city hall bakit yungmag-asawang Vergara, Jay at Ria eh parang hari at reyna na kaya nilang lusutan ang pagbabayad at nalusutan nila ang 100 million pesos?”
Criminal case number 21952 na isinampa dahil sa komentaryo ni Dobol P noong March 20, 2013 na..
“kapag pinutulan ka ng kuryente, kikita pa siya. Magkano ang reconnection fee, magkano? 50 pesos? Alam nila dito, kada buwan napuputulan sila eh, di alam nila ang kwenta o yun ang babayaran mo. Grabe ano, takaw mo Jay..sa hirap na dinadanas ng mga Cabanatueño, nakasabit ang mukha ng mga taong ito sa poste mismo ng Celcor, samantalang ikaw na nagpa 5-6 ka para lamang makabayad lamang dito dahil naputulan ka ng kuryente dahil ginugulangan ka ng mag-asawang Vergara buwan-buwan”
“katulad ng pera ng Cabanatuan na dapat sana ibinayad ng contractor sa city bilang bayad sa ready mixed concrete na kinuha ay napunta sa isang pribadong account dito sa UCPB sa isang babaeng nagngangalang Bernadeth Tiglao Martin o Badeth na lumalabas naman na account ni Mayor Jay Vergara at ni Ria Vergara sa kanilang kumpanya na dinayadin ang Cabanatueño sa buwis ng mahigit sa 100 million pesos. So ngayon, nasaan na yung pera bakit napunta sa account mo Ria Vergara? Di ba kayo nahihiya sa tao kapag lumalabas kayo, kaya ninyong humarap sa mga tao na yung tseke nay un pumasok sa account ng inyong accountant. Eto ang litrato ni Badeth..eto si Badeth sa kanya napunta ang pera ninyo Cabanatueño, pasok dun sa UCPB account makikita niyo yan dun sa Gintong Tulay”
Criminal case number 21957 inatake umano ni Piccio si Ria noong March 21, 2013 nang sabihin niyang..
“Ria pakinggan mo ito ha, pagkatapos hindi pa kayo nagbayad ng tamang buwis, tapos nakikita kita sa cathedral nagdadasal, katabi mo yung ibang mga Cabanatueño na nagdadasal din dunmarahil ng “bigyan mo sana kami Lord ng pangbayad sa kuryente, yung mga nanggugulang tulad mo, nandudun sa loob ng simbahan mga contacts mo sa ERC tiyak gagalaw yan, tututukan naming yan. I already talk to media, gagastos ka dito para pabanguhin ang mga pangalan niyo, kayo ni Jay lahat ng paraan gagawin niyo para ang amoy ng tao sa inyo mabango pero kahit anong pera ang itapal niyo sa tao masakit na at sugat na ang mga tao. May impeksiyon nan a hindi na napigil at patuloy pa rin ang impeksyon dahil hindi na magagamot eh.”
“ngayon Mayor, eto na nga asawa mo idinadagdag ko dahil unang-una siya ang namumuno sa FCVC, yung pandaraya dun nanggagaling, dumadaan din diyan sa Celcor na pag-aari din ninyo. Manipulado na ninyo eh yung presyo ng kuryente, diyan nyo kinikuha yung pera na pinapadaan niyo sa tao sa Lakewood, bibigyan kayo tapos sisingilin kayo ng kuryente. Alam niyo po kalalaki po ng kinikita ng mga yan, may bahay sa States ang mga ito. Dasmariñas Village, nangungunang village sa Makati, hari at reyna itong dalawang ito kung maglakad dun. Sorry Ria, pero nakikita ko kayo eh, nagkita tayo dun sa debate sabi mo sa akin pulitika lang naman ito, pagkatapos nito wala na. Ria, hindi pulitika sa amin ‘to, yung sakit na dinaranas ng mga Cabanatueño”
“kayong mag-asawa, you go to church, cathedral pa man din and you pray there, dumadasal kayo dun. Lumuluhod kayo katabi niyo yung mga taong ginugulangan ninyo”
“minsan nga Mrs. Vergara, pag nagkita tayo sa cathedral, titingnan kita at pag nagkita tayo hindi na ako magsasalita pero alam mo kung ano nasa loob ko..ganyan din Cabanatueño pag nakita niyo mag-asawa, tanungin nyo..kaya niyo bang humarap sa Maykapal, kasama yung mga taong nagugulangan sa kuryente buwan-buwan, buti sana kung minsanan lang eh”- ulat ni Clariza de Guzman