Warning: Talks about bullying and harassment

Masalimuot na nakaraan na hinilom ng Panginoon, tampok na testimonya sa Count Your Blessings

Ibinahagi ng young Pastor na si Jerwin Soriano ang mga naging karanasan na nag lapit sa kanya sa Panginoon, kina Former Congresswoman Cherry Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman sa programang Count Your Blessings noong Sabado, September 3, 2022.

Dagdag pa ni Pastor Jerwin, dahil sa trauma na pinagdaanan, ay nagkaroon ng confusion si Pastor Jerwin sa murang edad at naging dahilan din ito upang ma bully siya sa eskwelahan.

Naging madilim man aniya ang kanyang naging karanasan ay naging susi naman ito upang mapalapit siya sa Panginoon kung saan isa pa mismo sa nang bully sa kanya noong siya ay ang nag-aaral ang hihimok sa kanya na dumalo sa bible study.

Tinawag ni Pastor Jerwin na U-turn ng kanyang buhay ang pangyayari na ito, dahil dito nabago ang kanyang tinatahak na madilim na landas.

Bago matapos ang programa ay nag iwan ng mensahe si Pastor Jerwin sa mga kapwa niya young Pastor na nagsisilbi sa Panginoon.