Hindi makapaniwala sa natanggap na karangalan ang napili bilang Outstanding Trainee na si Jovy Dionisio ng programang Pattern at Dress making ng Tesda at Provincial Government of Nueva ecija.
Mangiyak-ngiyak si Jovy Dionisio bente sais anyos residente ng Bantug, Gabaldon Nueva Ecija, dahil hanggang ngayon ay hindi umano siya makapaniwala sa natanggap na karangalan bilang Outstanding Trainee noong sila ay nagsipagtapos sa Pattern at Dress making kamakailan.
Ayon sakanya , First time niyang humawak ng makina kaya’t masayang masaya siya dahil sa kabila nito ay siya pa rin ang napili sa lahat ng humigit kumulang tatlong pung benepisyaryo.
Dagdag pa nito kung siya ay papalarin na makapasa sa Final Assesment ng NCII plano nitong mangibang-bansa.
Nagpapasalamat naman siya kay Governor Cherry Umali dahil sa ibinigay na pagkakataon sa mga kagaya niya na nawalan ng pag-asa na magkaroon muli ng oportunidad para sa kanilang hinaharap.
Samantala, noong Hunyo abente hanggang abento dos sumalang na sa Final Assesment o NCII ang tatlong pung benepisyaryo ng Pamahalaang Panlalawigan sa Pattern at Dress making na ginanap sa Eastern Sunrise Training School Ireneville Subdivision San isidro Cabanatuan city.
Sa kanilang huling pagsususlit sumabak ang mga ito sa paggawa ng Pattern, Short, Sleeve, Blouse at Slocks.
Nagbigay naman ng mensahe si Jennifer Avillion, Assesor on Dress making ng NCII sa lahat ng mga scholars na pagbutihan pa nila para mas makutulong sa kanilang pamumuhay.-Sa Ulat ni Phia Sagat