Rumampa, nagpagandahan ng creative costume, nagtagisan ng talento, nagpakitang gilas sa talas ng kaisipan sa question and answer portion.

Iyan ang ipinamalas ng mga makisig at mabining kalahok ng College of the Immaculate Conception (CIC) King and Queen 2017 noong Sabado, September 22.

Kamangha-mangha ang mga ibinidang kasuotan ng mga binibini at ginoo sa creative costume na gawa sa recycled materials at inspired by nature.

Isa-isa naman nagtagisan ng talento ang 17 candidates sa pagsayaw,  pagkanta, pagguhit at pagpinta.

Kitang-kita rin ang matipuno at makurbang katawan ng mga kalahok sa pagrampa ng kanilang formal attire.

Sa huli, bukod sa Darling of the Crowd, Best in Creative Costume at Best in Formal Attire ay nakamit ni Candidate No. #7 Joshua Andrew Barcelo ng Education Society ang trono bilang CIC King 2017.

Nagtagumpay din sa pagsungkit ng korona si Candidate No. 5 Caselyn Marqueses ng Hotel and Restaurant Management Society bilang CIC Queen 2017.

Habang 1st Prince naman si Kevin Per Juliano ng Information Technology at 1st Princess Racelle Ballesca ng Junior Financial Executives.

Nakapwesto rin bilang 2nd Prince si Clark Sinamban ng Junior Financial Executives at 2nd Princess si Kristine Parial ng Communication Arts Society.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga organizer sa mga sumuporta sa naturang patimpalak. –Ulat ni Danira Gabriel