Hustisya ang panawagan ng sambayanang Katoliko para sa ikalawang pari na pinaslang sa Nueva Ecija na si Reverend Father Richmond Nilo.
Bumuhos ang pagdadalamhati’t pangungulila ng sambayanang Katolika ng maihatid na sa huling hantungan si Fr. Richmond Nilo noong Biyernes, Hunyo Akinse.
Kahit na masama ang panahon ay dumagsa parin ang mahigit limang libong nakiramay sa libing ni Fr. Nilo suot ang itim na t-shirt na nagpapahiwatig na mabigyan ng hustisya ang brutal na pagkakapatay sa pari.
Ayon kay Bishop Sofronio Bancud ng Diocese ng Cabanatuan, napapaluha siya ng makita ang dagsa ng taong dumarating sa simbahan para makidalamhati
Dagdag pa niya, tumugon raw si Fr. Richmond sa tawag ni Jesus dahil sa kanyang kahinaan at karunungan.
Samantala, kinwento rin ng obispo ang kanyang sagot nang tanungin umano ng isang media kung siya ba ay nababahala sa nangyayaring karahasan ngayon sa mga kapariaan.
Nagkaroon naman ng huling misa bago ilibing si Fr. Richmond sa Lakewood Cabanatuan City. -Ulat ni Phia Sagat