Pasok ang lalawigan sa listahan ng Commission on Audit (COA) noong 2016 bilang isa sa sampung pinakamaunlad na lalawigan sa bansa.
Ito ang ibinalita ni Governor Cherry Umali sa kanyang pagbisita sa bayan ng Sto. Domingo at Aliaga nitong nakaraang Huwebes, April 26.
Ngunit kahit hindi pa nailalabas ang resulta ng 2017 list, sigurado raw si Governor Cherry na pasok pa rin ang Nueva Ecija bilang isa sa pinakamasaganang probinsya sa buong bansa.
Samantala, unang nakisaya ang gobernadora sa ginanap na Seniors Citizens and Balik-Bayan Night sa bayan ng Sto. Domingo.
Ito ay bahagi ng ika-apat na taon ng Biyaya ng Butil Festival na dinaluhan ng mahigit kumulang tatlong daang seniors at balikbayan.
Tila bumalik sa pagkabata ang mga dumalo sa pagtitipon habang nagsasayawan suot ang kanilang Hawaiian outfit.
Layunin ng event na mahikayat ang mga balik-bayan upang umuwi tuwing pista at mahikayat ang mga seniors citizens upang makilahok sa mga aktibidad ng bayan.
Sunod naman na pinuntahan ni Governor Cherry ang isinagawang Variety Show sa bayan ng Aliaga.
Ito ay bahagi ng ika-129 na taon ng kapistahan ng naturang bayan kung saan nagbigay saya rin ang kapamilya hearthrob na si Ronnie Alonte.

BUMISITA SI GOV. CHERRY UMALI SA KAPISTAHAN NG BAYAN NG ALIAGA AT STO. DOMINGO UPANG MAGHATID NG SUPORTA AT REGALO.
Ayon kay Mayor Boy Moreno, mas maging masigla ang kapistahan sa kanilang lugar dahil pakikipagtulungan ng kanilang pamahalaan sa simbahan.
Labis naman ang pasasalamat ng mamamayan ng dalawang bayan kay Governor Cherry sa pagbibigay ng mga regalo at sa walang sawang pagsuporta nito sa kanila. – ULAT NI JANINE REYES.