Simula sa darating na pasukan, isang shift na lang o whole day na ang magiging pasok ng mga estudyante ng Nueva Ecija High School.

Ayon kay Rowena Caoile, Principal IV ng NEHS, kayang-kaya nang i-accommodate nang sabay-sabay ang lahat ng estudyante sa loob ng isang araw dahil sapat na raw ang mga classrooms sa kanilang paaralan.

PINASINAYAAN NA ANG 24 BAGONG CLASSROOMS PARA SA GRADE 8 STUDENTS NG NUEVA ECIJA HIGH SCHOOL

Nitong Lunes lamang, sa pangunguna ni Governor Cherry Umali at Former Governor Oyie Umali, ay opisyal nang pinasinayaan ang dalawampu’t apat na classrooms para sa mga Grade 8 students ng NEHS kasabay ng isinagawang kick-off activity ng Brigada Eskwela 2018.

Kasama ng gobernadora ang ilang mga volunteers mula sa SPES at PMTC, maging ang mobile kusina ng provincial government para sa nasabing week-long repair and cleaning program.

Nag-donate rin si Governor Cherry ng mga pintura para naman sa mga dating classrooms at kapaligiran.

At kung magkakaroon man daw ng kakulangan sa silya ay handa umano si Governor Cherry na tumulong sa nehs upang punan ito.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Cherry na patuloy lamang ang provincial government sa pagbibigay ng tulong sa mga Novo Ecijano.

Labis naman ang pasasalamat ni Ccaoile sa suporta nina Governor Cherry at Former Governor Oyie Umali sa kanila.

Samantala, bilang tugon naman sa kakulangan sa aklat ay naglagay naman ng 40 inches flat screen TV sa bawat silid aralan ng Grade 7 building bilang teaching materials.

At dahil malapit na ang pasukan, tinitiyak rin ng NEHS ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Buo naman ang suporta ng Schools Division Superintendent ng Nueva Ecija na si Dr. Ronaldo A. Pozon sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan.

Sa isang panayam sinabi nito na isa sa pinakamagandang parte ng Brigada Eskwela ay ang pagtutulungan ng bawat isa na parang isang buong pamilya.

Ipinaalala rin ni Pozon ang kahalagahan ng edukasyon sa lahat ng mga kabataang Novo Ecijano.- ULAT NI JANINE REYES.