Pagpapatawad sa gitna ng masakit na karanasan sa buhay dahil sa pagkakakilala sa Panginoon, ito ang kwento na ibinahagi ng magkapatid na Jenny at Susie Sta. Cruz sa programang Count Your Blessings kasama si Dra. Kit de Guzman at guest co-host na si Sarah Faith dela Peña noong Sabado, July 9.
Mababanaag pa rin sa kwento ng magkapatid ang sakit ng mawala ang kanilang ama ng ito ay barilin na ayon sa magkapatid ay kaso ng isang mistaken identity. .
Dahil din dito ay nagkaroon sila ng adjustment mag-anak kung saan naging pangarap na rin ni Suzie na makatulong sa mga kapatid na mapagtapos sila ng pag-aaral.
Dumaan man sa madilim na yugto ng buhay ang kanilang pamilya ay nagpapasalamat sila sa Panginoon na sa murang edad ay nakakilala na sila sa Panginoon sa tulong ng kanilang lola.
Masakit man sa magkapatid ang nangyari sa kanilang buhay natuto naman umano sila na kumapit sa Panginoon at matutong magpatawad. – ulat ni Amber Salazar