San Antonio- Patay ang isang tricycle driver na kabilang Drug Watchlist Personalities ng San Antonio Police Station matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Purok sais ng barangay Sta. Cruz ng naturang bayan.
Kinilala ang biktima na si Dondie Villar y Dimaano, trenta’y sais anyos, ng barangay Papaya, San Antonio.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas nueve trenta ng gabi habang minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle sakay ang isang pasahero nang dikitan ng mga suspek lulan ng isang motorsiklo at bigla na lamang pinaputukan ng dalawang beses ang biktima na agad na binawian ng buhay.
Nagtamo naman ng mga sugat sa kanyang katawan ang pasahero ng biktima makaraang sumadsad sa irrigation canal ang tricycle.
Narekober ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng kaha ng kalibre kwarenta’y singko.
Rizal- Kulong ang isang construction worker matapos dakpin ng mga otoridad para sa kasong panghihipo sa barangay Cabucbucan, bayan ng Rizal.
Nakadetine ngayon sa istasyon ng pulisya ang suspek na si Romeo Gamit y Damaso, kwarenta’y kwatro anyos, may asawa, residente ng naturang lugar.
Ayon kay Gamit, sinampahan siya ng kasong Acts of Lasciviousness ng kanyang biyenan nang hipuan nya ang ampon nito.
Umaasa umano siya na patatawarin pa siya ng kanyang biyenan dahil lango siya sa alak ng mangyari ang insedente kaya hindi nya alam ang kanyang ginawa.
Umaabot sa php 80, 000.00 ang kaukulang piyansa na inirekomenda ni Judge Johnmuel Romano Mendoza ng RTC Branch 26 ng Cabanatuan City para sa kanyang pansamantalang kalayaan.- Ulat ni Clariza de Guzman.
[youtube=http://youtu.be/zBY9kJaQPyU]