Sa mga iba pang katanungan mag log in lamang sa lto.gov.ph para sa karagdagang impormasyon tungkol sa driver’s license.
Paano nga ba ang proseso sa pagkuha ng driver’s license at magkano ang babayaran?
Unang dapat gawin ay ang pagkuha ng student driver’s license.
Kailangan munang dumaan sa driving school at makakuha ng theoretical driving course at 5 hours seminars in 3 days para mabigyan ng certificate ng accredited driving school para magamit sa pag-aaply ng student driver’s license, kasama ang birth certificate original and photo copy. Kung married ay kailangan ng marriage contract, original and photo copy, at medical na manggagaling naman sa accredited doctors ng LTO.
Pag minor pwedeng kumuha ng student’s license ang 16 years old basta may parental consent.
Pero ang 17 years old lang ang pinapayagan na makakuha ng non-professional driver’s license. Ang kailangang bayaran ay p250.00 sa lto. Hindi kasama ang sa medical at driving school.
Ayon kay Mari Zapanta district head ng LTO Cabanatuan , after a month ng student’s permit ay pwede nang mag-apply ng non-professional driver’s license, kalakip ang certificate ng driving school accredited ng LTO, practical driving course, at medical certificate.
Ang babayaran ay more or less sa p685.00 sa LTO hindi kasama rito ang bayad ng driving school at medical.
Sa pagkuha naman ng professional driver’s license, kung dati after ng student’s license ay pwede nang diretso sa pagkuha ng professional driver’s license ngayon ay kailangan muna na dumaan sa non-professional bago makakuha ng profesional driver’s license after 6 months.
Ang kaukulang requirements ay BIR tin number, medical, actual examination at actual driving course.
Sa renewal naman ng lisensiya ay kailangan munang mag log in sa portal ng lto.gov.ph. Para sa online examination.