Saludo ang ina ng lalawigan na si Governor Czarina “Cherry” Umali sa mga sundalo ng 69th Battalions at Infantry Division ng Philippine Army na nagdiwang ng 30th Founding Anniversary.

Bilang panauhing pandangal nagbigay ng mensahe si Governor Czarina “Cherry” Domingo Umali sa mga sundalo ng 69th Battalions at Infantry Division Philippine Army sa anibersaryo ng kanilang pagkakatatag na may tema “Hubog ng Panahon, Pitagan Sundalo: Kaagapay sa Makabuluhang Pagbabago” na ginanap sa Camp Kapitan Berong B. Cavite, Guimba Nueva Ecija noong Lunes April 16.

 Ayon sa gobernadora,  bilang pinuno ng probinsiya, mahalaga ang pag-agapay ng mga sundalo hindi lang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamayanan,  kundi maging  sa panahon ng kalamidad at iba pang aktibidad.

Ikinwento rin ni Umali na alam na niya ngayon ang ibig sabihin ng nakita niyang larawan ng sundalo na may hawak na baril sa isang kamay at bulaklak naman sa kabilang kamay.

Ginampanan din ni Gov. Cherry umali ang pinning of ranks ng sampong sundalong na promote na kinabibilangan nina:

  • Private Rodel P. Fremista 925399 Infantry Philippine Army
  • Private Noel M. Umaga 925412 Infantry Philippine Army
  • Private Raul D. Divino 925429 Infantry Philippine Army at iba pa.

Nakiisa din sa naturang selebrasyon ang mga Mayors at Brgy. Captains, iba pang politiko, at mga kasundaluhan. 

Nagbigay naman ng mensahe si Brigadier General Abraham Claro Casis sa mga sundalo na panatilihin ang propesyonalismo sa kanilang mga tungkulin. -Ulat ni Phia Sagat