Malugod na tinanggap ng Sangguniang Barangay ng La Fuente sa pamumuno ni Kapitan Rene Sebastian ang tsekeng  nagkakahalaga ng Php511,000.00 na iniabot ni Former Governor Aurelio Umali, bilang kinatawan ni Governor Czarina Umali at Board Member Peter Marcus Matias.

Pinangunahan ng Former Gov. Aurelio Umali at BM Macoy Matias ang awarding of check  worth Php511,000 na ipinagkaloob ng Prov’l Gov’t sa barangay La Fuente, Sta. Rosa.

Pinangunahan ng Former Gov. Aurelio Umali at BM Macoy Matias ang awarding of check worth Php511,000 na ipinagkaloob ng Prov’l Gov’t sa barangay La Fuente, Sta. Rosa.

   Inilaan na pambayad sa 1, 022 hectares na loteng pag-aari ni Ginoong Nomer Flores ang perang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan upang pagtayuan ng isang gymnasium.

   Ayon kay Kapitan Sebastian, hindi lamang tuwing may okasyon sa kanilang barangay nila mapapakinabangan ang ipagagawang gym kundi magsisilbi rin aniya itong evacuation center kapag may kalamidad.

   Matatandaan na noong nakaraang October 2015, isa ang Sta. Rosa sa mga bayan na matinding nasalanta ng pagbaha dulot ng bagyong Lando. Malapit lang sa ilog ang barangay ng La Fuente kaya ang mga nakatira doon ang unang naaapektuhan kapag tumataas na ang tubig na bumababa galing sa mga bayan ng Pantabangan, Gabaldon at Bongabon.

   Masayang sinaksihan ng mamamayan ng La Fuente ang pagtanggap ng Sangguniang Barangay sa perang  ibinigay ng Provincial Government pambayad sa loteng pagtatayuan ng gymnasium.

Masayang sinaksihan ng mamamayan ng La Fuente ang pagtanggap ng Sangguniang Barangay sa perang  ibinigay ng Provincial Government pambayad sa loteng pagtatayuan ng gymnasium.

   Sa mensahe ng dating gobernador, sinabi nito na nasa serbisyo man siya o wala, hindi niya maaring makalimutang tulungan ang La Fuente partikular ang Sta. Rosa dahil bukod sa mahal niya ito, ay sa bayan ding ito nagmula ang kanyang pamilya.

   Kwento ng ama ng lalawigan, panahon pa ng kanyang termino ay naghahanap na sila ng lupa para pagtayuan ng gym. Magiging kakaiba aniya pa ang magiging istruktura nito dahil tatambakan muna ito ng pantay tao, lalagyan ng harang ang mga gilid, magkakaroon ng palikuran, at kusina para maging maginhawang silungan at matutuluyan ng kanyang mga kababayang taga-La Fuente may baha man o wala.- ulat ni Clariza de Guzman