Sumabak kamakailan ang piling estudyante ng NEHS o Nueva Ecija High School Dance Troupe sa Pinoy Henyo High Sayawan Competition ng Noon Time Show ng GMA7 na Eat Bulaga, kung saan ito ang kanilang maituturing na pinakamalaking patimpalak na kanilang nasalihan kumpara sa labing dalawang kompetisyon dito sa lalawigan.
Malaki rin ang naging sakripisyo ng mga guro na humawak sa mga dancers dahil ibinibigay nila ang kanilang buong suporta at dedikasyon para lang maging maganda ang kanilang magiging performance.
Isa sa pinakasentro ng atraksyon sa mga miyembro ay si Jake Ryan, maliit man malupit naman sa hatawan sa dance floor at nakatuwaan ng mga host ng Eat Bulaga.
Hindi man pinalad na makuha nila ang title sa patimpalak ay ibinigay pa rin ng mga estudyante ang kanilang puso at oras para maging maayos ang kanilang performance.
Wika naman ng punong guro ng naturang paaralan na binigay nila ang kanilang moral financial kasama na rin ang spiritual support sa mga dancers.
Marami na ring nasalihan ang grupo tulad nalaman sa Step Up 1 sila ang champion, Step Up 2 Cheerdance Competition muli nilang nahawakan ang titulo at Step Up 3 ay nagpatuloy na sila ang namayagpag .
Sa ngayon ang nagpapatuloy ng magandang samahan ng dance troupe ay si Bibencio Sakay, isa ring huwarang guro, dance instructor at choreographer sa naturang paaralan.
Ayon kay Sakay patuloy pa rin ang kanilang pangagampanya sa mga estudyante na may talent sa pagsayaw lalo ngayon at magpapasukan nanaman.
Sa labing dalawang dance competition na nasalihan dito sa probinsya ay isa palamang ang kanilang naranasang pagkatalo.
Nagpasalamat din ang mga guro sa ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali at Doc Anthony Umali sa pagsuporta sa pangangailangan ng mga estudyante at teachers ng magcompete ang mga ito sa Eat Bulaga.
Ang nagtiyaga naman na tumulong sa pagpapaganda ng mga dance moves ay si Jeremy Domingo na nagtapos din sa NEHS at madami na ring naging experience pagdating sa pagsasayaw. Ulat ni Bituin Rodriguez