Sinampahan na ng mga kasong Murder and Frustrated Murder sa Provincial Prosecutor’s Office ang tatlong suspek na sangkot sa pagpaslang kay Mary Anne Hernandez, Chief Administrative Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija at pagkasugat ng asawa nitong si Carlito Hernandez.
Sa press conference, kinilala ni PSSUPT Eliseo Tanding, Nueva Ecija Police Provincial Director, sina Anastacio Geron y Mapoy alyas Asiong, kwarenta’y syete anyos, may asawa, Armando Geron Jr. y Antolin alayas Ulupong, bente sais at Reynaldo Iglesia y Nicolas, singkwenta anyos, lahat ay pawang mga magsasaka at mga residente ng San Jose City.

Ang mag-amain na Anastacio Geron at Armando Geron
January 25, 2018 inaaresto ng San Jose Police ang mag-amain na Geron sa magkahiwalay na Search Warrant na inisyu ni Judge Cynthia Florendo ng RTC Branch 29 na may petsang January 23, 2018 para sa kasong pagpatay dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa isang insidente ng pamamaril sa nabanggit na lungsod noong December 29, 2017.
Base sa report ng pulisya, nakuha sa dalawa ang mga baril na caliber .45, caliber .38, mga bala, isang granada at tig-isang cellphone kung saan nakita ang pakikipagpalita ng mga ito ng mensahe na naglalaman ng kanilang mga transaksyon tungkol sa mga pagpaslang.
Sa interogasyon sa mga suspek, inamin nina Anastacio at Armando ang kanilang partisipasyon sa pagpaplano at pagpatay kay Meanne Hernandez.
January 28, 218 tatlong araw matapos mahuli ang mag-amain, sumuko naman si Iglesia sa Talavera Police Station.- ulat ni Clariza de Guzman