Patuloy na pagpapabuti ng serbisyo, adhikain ng ELJ Memorial Hospital sa pagdiriwang ng ika-54 anibersaryo
Layunin ng ELJ Memorial Hospital sa kanilang pagdiriwang ng ika-54 na taong anibersaryo ang patuloy na pagpapabuti ng serbiyong medikal para sa mga Novo Ecijano.
Ayon kay Dr. Augusto Abeleda, hepe ng ELJMH, simple ang naging selebrasyon ngayong taon dahil mas nagfocus ang kanilang mga nurses at doctor sa kapakanan ng kanilang mga pasyente.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Orlan Valino ang misa at pagkatapos nito ay nagkaroon ng munting salu-salo sa mga empleyado ng naturang ospital.
Dito ay binalikan ni Dr. Abelada na sa loob ng limampu’t-apat na taon, hindi naging hadlang ang COVID-19 upang madagdagan pa ang serbisyong hatid ng ELJMH.
Bukod sa bagong ospital na ipinagawa ni Former Gov. Cherry Umali na isinakatuparan naman ni Gov. Oyie ay bumili rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng mga bago at modernong diagnostic equipment tulad ng CT Scan, Ultrasound, X-ray Machine,at 2d echo.
Ang mga nabanggit na kagamitan ay kasalukuyan nang nagagamit ng ospital para sa mga pasyente na walang kakayahang magbayad o kapos sa pinansiyal.
Sa pamamagitan ng Malasakit Center ay naibibigay na ng libre ang serbisyo sa mga Novo Ecijano na nagpapakonsulta pagdating sa kanilang kalusugan.
Dagdag pa ni Dr. Abeleda, magkakaroon na rin ng Endoscopy Procedure ang ospital na posibleng magsimula na sa buwan ng Setyembre.
Ang ELJMH ay isang primary na hospital at patuloy na nag-iimprove pagdating sa dekalidad na serbisyong medikal para sa kapakanan ng kalusugan ng mga Novo Ecijano.