Nagpaabot ng mensahe sa ina ng lalawigan ng Nueva Ecija ang Birthday Celebrant na si Doctor Hubert “Hoover” Lapuz sa ginanap na Birthday party nito noong Huwebes sa Nueva Ecija Doctor’s Hospital na may temang “ The Grand Hats-off party for Dr. Huberto “Hoover” Franco Lapuz Cheers to 60 years”.

Dr. Hubert “Hoover” Lapuz 60th Birthday

The Grand Hats-off party for Dr. Huberto “Hoover” Franco Lapuz Cheers to 60 years
Ayon pa kay Doctor Lapuz, bilang isang matagal ng nagseserbisyo sa pampublikong hospital, buong buo ang suporta aniya kay Gov. Czarina ”Cherry´Umali sa lahat ng programang pangkalusugan nito.
Kaugnay pa nito, sa panayam ng Tv48, Ibinahagi ni Dr. Lapuz na Hindi lingid sa kanyang kaalaman ay may inihandang espesyal na regalo pala sa kanya ang kanyang pamilya. Ito na nga ang pa-Birthday Party para sa kanya, na first time aniyang nangyari sa tanang buhay nya.

Family and Friends of Dr. Huber “Hoover” Franco Lapuz
Dagdag pa ni Dr. Lapuz, memorable ito sa kanya sapagkat ito ay dinaluhan ng kanyang malalapit na kaibigan, mga kasamahan sa trabaho at mga kamag-anak na nagmula pa sa malalayong lugar.
Nagbahagi naman ng pahapyaw na kwentong pagkakaibigan at at nagpaabot ng mensahe ang ilan sa malalapit na kaanak, kaibigan ni Doctor lapuz na tunay ngang hindi nakakalimot sa t’wing sasapit ang kanyang kaarawan.
Kilala sa Doctor Hubert “Hoover” Lapuz bilang isang magaling na Doctor sa larangan ng pangkalusugan at medisina. Responsableng ama at malaki din ang naiambag nito sa buong lalawigan ng Nueva Ecija bilang public servant. –Ulat ni Getz Rufo Alvaran