Naudlot ang sana ay pag-usad ng La Fortuna Spartans para sa semi-finals ng NECSL Men’s Basketball nang talunin sila ng WUP Riders sa score na 118-92.

Si Jeremy Ingusan ng Riders sa kanyang 3-point shot sa 2nd quarter ng laban sa pagitan ng La Fortuna Spartans.
Dikit ang naging laban ng WUP Riders at La Fortuna Spartans sa simula ng 1st quarter. Gamit ang matinding depensa ng Riders, naungusan nila ang Spartans sa score na 25-22.
Pagpasok ng 2nd quarter, lumamang ng 10 puntos ang Riders dahil sa sunud-sunod na pagpuntos ni Jeremy Ingusan sa natitirang 2:23 seconds. Dahil dito, nasira na ang depensa ng Spartans. Nagtapos ang 2nd quarter sa score na 52-43.
Sa 3rd quarter, Pinilit na mailapit ng Spartans sa 60-68 ang score sa Riders sa pagtutulungan nina Sarmiento at Gavino. Ngunit biglang nag-init ang 3-point shot ni Ingusan kaya lumobo pa sa 20 puntos ang lamang sa pagtatapos ng 3rd quarter SA SCORE NA 84-64.
Pagtuntong ng 4th quarter, isang power dunk ang ipinamalas ni Corpuz ng Riders para sa end score na 118-92.
Itinanghal na best player of the game si Jeremy Ingusan na tumipa ng 28 points, 8 assists at 5 rebounds.
Ang WUP Riders ang nakakuha ng 3rd slot sa Semis na may 6-2 record habang nasa ika-apat na posisyon ang CRT Blue FOX na may 5-3 record.
Kasama ng Riders at Blue Fox na pasok sa semis ang CIC Kings at MVGFC Ambassadors.

La Fortuna Spartans vs Wesleyan University Philippines Riders sa huling araw ng paghaharap sa Elimination Round ng Men’s Basketball
Samantala bigong nakapasok sa Semis ang La Fortuna Spartans dahil sa pagkatalo nito sa WUP Riders.
Pagtuntong ng Semi-finals, back to zero ang score ng mga pasok na koponan. Nakatakdang magsimula ang Semi Finals ng Men’s Basketball sa unang linggo ng Nobyembre. – Ulat ni Shane Tolentino