Ilang araw bago sumapit ang araw ng mga patay ay nagkalat na ang mga nagbebenta ng kandila at bulaklak . Ang poinsettia ay nagkakahalaga ng tatlong daang piso ang isang dosena.

Ang malasian mums ay nagkakahalaga ng dalawang daang piso,  at asahang tataas pa sa darating na ikadalawamput-walo ng oktubre.

Habang ang radus flowers ay nagkakahalaga ng dalawangdaan at limampung piso kada dosena at tataas hanggang  tatlong daang piso sa darating na undas.

Ibat-ibang klase ng bulaklak, asahan ang pagtataas sa undas.

Ibat-ibang klase ng bulaklak, asahan ang pagtataas sa undas.

At ang nasa paso naman ay nagkakahalaga ng isang daang piso hanggang isang daan at limampumpiso kada piraso.

Maging ang presyo ng mga kandila ay magtatas din ng darating na undas.

Ang pinakamaliit ay nagkakahalaga ng  apatnapung piso, at ang sumunod na laki ay sitentay singko.

Ninety five naman ang mas malaki pero mataba at 85 naman ang mas mahaba pero mapayat na kandila. Mayron din na nasa baso na nagkakahalaga naman ng isangdaan at limangpung piso.

One hundred sixty naman ang mas  malaki, at ang kalahati naman nito ay nagkakahalaga ng seventy five pesos. Nagkakahalaga naman ng 90 pesos ang kandida na nasa box.

Ibat-ibang kulay at disenyo ng kandila para sa paparating na undas asahan ang  pagtaas.

Ibat-ibang kulay at disenyo ng kandila para sa paparating na undas asahan ang  pagtaas.

Samantala, maagang nagsipaglinis ang mga cabanatueño ng mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, upang iwas traffic at init sa dami ng tao.

Mga Cabanatueñong maagang nagsipaglinis sa pundod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Mga Cabanatueñong maagang nagsipaglinis sa pundod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kagaya na lamang ni nanay reylita de guzman na naabutan naming maagang naglilinis sa puntod ng kaniyang yumaong na asawa, anak at pamangkin, upang maagang mayari at di makisabay sa maraming tao.

Nanay Reylita De Guzman, Maagang naglinis sa puntod ng kaniyang Asawa, anak at pamangkin.

Nanay Reylita De Guzman, Maagang naglinis sa puntod ng kaniyang Asawa, anak at pamangkin.

Ulat ni  Myrrh Guevarra