Rain or shine man ay patuloy pa rin ang pag libot ng mga turistang hindi na kailangang mag out of the country para magkaroon ng  mala- Bali, Indonesia  experience dahil sa Camp Paraiso Hotel and Resort sa Barangay Labi, Bongabon Nueva Ecija matatagpuan rin ang mga Bali Inspired giant birds nest.

Katulad ni Delmar Perez ng Cabanatuan City na hindi napigilan ng masamang panahon na pumunta sa Camp Paraiso kasama ng kanyang pamilya.

Bukod sa maganda ay affordable din ang Camp Paraiso Hotel and Resort. Ang entrance ay nagkakahalaga lamang ng   70 pesos para sa adult at 40 pesos sa kids.

Sulit ang pag punta sa Camp Paraiso dahil sa Instagrammable spots  sa giant nests ay nariyan din ang iba pang amenities ng Camp Paraiso para sa mga nais mag day tour at mag overnight.

maghapon ay available ang mga cottages na nagkakahalaga ng 500 pesos at 1,200 pesos naman para sa mga cottage na  may mga videoke machine.

Mayroon ding villas para sa mga nais mag over night na nagkakahalaga ng 2,499 pesos ngayong rainy season na  good for 5 persons.

Dalawa ang swimming pool ng Camp Paraiso na ang tubig nito ay  galing sa bukal ng kabundukan ng Sierra Madre.

Maaari ring maligo sa Falls na  isa  sa mga attraction ng Camp Paraiso.  Para makarating dito ay kinakailangan mag hike ng isang turista sa gilid ng ilog na  tatagal ng mahigit kumulang tatlumpung minuto  kasama ang isang tour guide.

Sa aming panayam kay JM Ponce manager ng Camp Paraiso, March 7, 2019 lamang binuksan ang Camp Paraiso at ang intension lamang ng pamilya Ponce ay gawin itong rest house.

Kwento ni JM na ang kilalang big nest sa kanilang little valley ay para talaga sa kanyang anak na nais magka tree house na hindi nya sukat  akalain na  papatok pala  at magiging dahilan ng pag dayo ng mga turista sa Camp Paraiso. -ulat ni Amber Salazar