Dumalo at nakiisa ang labing syam na mga barangay at mga estudyante sa mga programang isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Zaragoza sa pagdiriwang ng National Youth Month na may temang “Kabataan Para sa Pagbabago”.

Drug Awareness Seminar and Dance Competition sa bayan ng Zaragoza bilang pagdiriwang ng National Youth Month 2017

Ang mga aktibidades tulad ng alay lakad, Drug Awareness Seminar at Dance Competition na bahagi ng selebrasyon ay bilang pakikiisa ng naturang bayan sa kampanya laban sa iligal na droga.

Alay lakad na pinangunahan ng Local Government Unit ng bayan ng Zaragoza

Ayon kay Eden Belmonte, Organizer ng naturang selebrasyon, marami aniya sa mga kabataan ngayon ang sangkot sa iligal na droga kaya mahalaga na magkaroon ng kaalaman patungkol sa masamang dulot nito ang mga kabataan upang maiiwas ang mga ito sa anumang bisyo.

Pinangunahan ni Col. Alex Aurelio, Company Commander ng PPSC, NEPPO ang pagbibigay ng lecture sa masamang naidudulot ng droga sa buhay at kalusugan ng tao.

Mga kabataang nakilahok sa Alay lakad bilang bahagi ng Kampanya laban sa iligal na droga

Dagdag pa ni Col. Aurelio, layunin ng programa na maimulat sa mga kabataan na sila ang simula ng pagbabago sa lipunan at hindi dapat masangkot sa ipinagbabawal na gamot.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran